MURDER SUSPECT SUMUKO SA NBI

ZAMBALES – Sumuko sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan District Office, ang isang most wanted person sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan.

Kinilala ni NBi Director Jaime B. Santiago ang sumuko na si alyas “Chot”, nasa hustong gulang, may kasong murder at frustrated murder.

Ayon sa ulat ng NBI-DADO, noong Agosto 5 ay nakatanggap sila ng “surrender feeler” mula sa kampo ng suspek kaya kinabukasan ay agad nagtungo sa lugar ang mga awtoridad.

Kasama ang isang kaibigan, nakipagkita ang suspek sa mga awtoridad sa dalampasigan sa Barangay Pundaquit, San Antonio, Zambales at doon sumuko.

Ang suspek ay sinilbihan ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 71 ng Iba, Zambales para sa kasong murder at frustrated murder. (RENE CRISOSTOMO)

49

Related posts

Leave a Comment