MVP, AYALA KINONTROL ANG EDSA BUS SYSTEM

AYAW pumayag ng kumpanya ni Manny V. Pangilinan at ng mga Ayala na gawing libre ang beep card ng mga mananakay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), kaya ipinasuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit nito simula nitong Lunes, Oktubre 5.

Ipinasuspinde ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang paggamit ng beep card sa pagsakay sa bus sa EDSA dahil hindi pumayag ang AF Payments Inc. (AFPI) na ilibre na ang P80 na beep card sa mga mananakay.

Ang AFPI na humahawak ng automatic fare collection system (AFCS) sa EDSA Busway System ngayong limitado ang galaw ng mamamayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay pag-aari ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Ayala Corporation (AC).

Si Pangilinan, o MVP, ang may-ari at kontrol ng MPIC, samantalang ang magkapatid na Jaime Zobel de Ayala at Fernando Zobel de Ayala ang mga may-ari at mayroong kontrol ng AC.

“We are saddened by the refusal of AF Payments Inc. (AFPI), the provider of the automatic fare collection system (AFCS) at the EDSA Busway, to waive the cost of the Beep card despite consistent pleas made by the government. This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic,” diin ng DOTr.

Ayon sa ahensiya, ilang ulit na silang nakiusap sa AFPI na huwag pabayaran sa mga mananakay ang beep card, ngunit itinuloy nito ang paniningil ng P80 kada beep card.

Hiwalay pa ang bayad sa load, bagay na labis na tinutulan ng mga mananakay.

Sabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, “[AFPI officials told DOTr officials that] they cannot waive the fee because they will be at a loss, and they are zero profit with the P80 cost.”

Hangga’t hindi pumapayag ang AFPI sa posisyon ng DOTr, walang beep card na gagamitin sa pagsakay sa mga bus sa EDSA, pahayag ni Libiran.

Ang mga nakabili na ng beep card ay maaari pa rin itong gamiting pambayad ng kanilang pamasahe. (NELSON S. BADILLA)

170

Related posts

Leave a Comment