Nabagsakan sa ulo OBRERO PATAY SA CONCRETE SLAB

CAVITE – Patay ang isang 34-anyos na quality control man ng isang construction company, nang mabagsakan ng concrete slab sa kanyang ulo habang nagsasagawa ng inspeksyon sa loob ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Dinala sa Binakayan Hospital ang biktimang si Randy Panao Serceña, quality control man ng Tokwing Construction Company, ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Police, nagsasagawa ng concrete sampling inspection ang biktima sa Building 9 ng Melbuilt Company sa loob ng First Orient International Venture sa Brgy. Puborista, Kawit dakong alas-8:00 ng umaga nang mahulog ang isang slab na may bigat na 4.5-kilogram, mula sa pagkakakabit sa flooring sa 11th floor at bumagsak sa ulo ni Serceña.

Ayon kay P/MSgt. Clerigo, walang suot na hard hat ang biktima nang mangyari ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)

210

Related posts

Leave a Comment