“NO pending criminal and administrative cases.”
Ito ang ipinangalandakan ni Quezon Province 2nd District Representative David ‘Jayjay’ Suarez sa isinagawang press conference sa House of Representatives nitong ika-21 ng Pebrero, kung saan ipinagyabang nito ang isang clearance certificate mula umano sa Office of the Ombudsman.
Ayon sa dokumento, walang nakabinbin na kaso, mapa-kriminal o administratibo, ang nasabing kongresista batay sa record ng Office of the Ombudsman as of December 10, 2021.
Ngunit ayon sa pagsisiyasat, apat (4) na iba’t ibang kaso ang kasalukuyang nakahain at kinahaharap ng mambabatas sa Ombudsman.
Ang mga sumusunod na kaso ay: Fidel P. Verdad, Jr. vs. David Suarez (June 29, 2020); Diego Magpantay, National President Citizen’s Crime Watch Association, Inc. (CCW) vs. David Suarez, et. Al. (November 4, 2020); Leonito T. Batugon, Antonio Almoneda, Marife A. Benusa and Mauro G. Forneste vs. David C. Suarez, et. al. (December 14, 2020); at Vicente J. Alcala vs. David Suarez (May 17, 2021).
Nananatiling malaking palaisipan tuloy kung saan kinuha ng nasabing mambabatas ang pinangangalandakang clearance certificate nito mula sa Ombudsman.
Dahil dito, hindi maiwasang pagdudahan na peke ang sertipikong nabanggit at hayagang nagsinungaling ang mambabatas sa kanyang isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) para sa muling pagtakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng probinsya ng Quezon.
Kapag napatunayan ang kanyang pagsisinungaling, maaaring maharap si Suarez sa kasong “perjury” dahil sa ‘material misrepresentation’ nito sa isang sinumpaang dokumento. Dagdag pa rito, ang nasabing mambabatas ay maaaring humantong sa pagkakadiskwalipika sa pagtakbo at habambuhay na pagbabawalang humawak ng anomang pwesto sa pamahalaan.
718
