‘NAGMANIPULA’ SA P74-B PHILHEALTH FUNDS PANGALANAN

IGINIIT ni Davao City Rep. Isidro Ungab na pangalanan ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee na naging kasapakat sa paglalaho ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ilalim ng 2025 national budget.

“The Filipino people deserve to know exactly who orchestrated the removal of P74 billion that was legally earmarked for their healthcare through the Sin Tax Law,” pahayag ni Ungab kahapon.

Ang Bicam ay binubuo ng 10 congressmen at 10 senador na pinamumunuan ng chairman ng House Appropriations Committee at Senate Finance Committee kung saan sina Ako Bicol party-list Rep. Zaldo Co ang namuno sa House contingent habang si dating senator Grace Poe naman sa Senado.

“This is not just about budget realignment—this is about the systematic dismantling of legally protected health funds that should have benefited millions of Filipinos,” dagdag pa ng mambabatas.
Base sa mga report, P74 billion ang inaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa PhilHealth subsidy ngunit paglabas ng proposed budget sa Senado ay naging P43 billion na lamang ito.

Gayunpaman, pagdating sa Bicam ay nabura ang nasabing pondo kaya nais ni Ungab na malaman kung sino-sino sa mga miyembro ng Bicam ang naging instrumento para pagkaitan ng tulong ang mga magkakasakit na mamamayan.

Tulad ni Sen. Panfilo Lacson, sinabi ni Ungab na ilegal ang ginawa ng Bicam na pakialaman ang pondo na inilaan sa isang programa na binuo ng special law tulad ng Sin Tax Law.

“Any attempt to divert these funds through the GAA (General Appropriations Act) constitutes a clear violation of this fundamental legal principle,” ayon pa sa mambabatas na naging chairman ng House committee appropriations noong 16th at 18th Congress.

“If we allow P74 billion in legally protected health funds to disappear without accountability, we are telling the Filipino people that their laws, their health, and their trust mean nothing. This cannot and will not stand,” dagdag pa ni Ungab.

Hindi aniya pwedeng palagpasin na lamang ito lalo na’t hindi alam ng mga tao kung saan inilipat ang P74 billion na parte ng koleksyon sa Sin Tax at nakalaan para tulungan ang mahihirap na nagkakasakit.

(BERNARD TAGUINOD)

28

Related posts

Leave a Comment