NAGNAKAW NG P5-M PLUNDER NA ‘YAN – FORMER ES RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

ITUTULAK ni Atty. Vic Rodriguez na ibaba sa limang milyong piso para makasuhan ng plunder ang isang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Ayon sa unang executive secretary ng administrasyong Marcos, isa ito sa mga nais niyang baguhin sakaling mahalal sa Senado sa 2025 midterm election.

Sa kasalukuyang batas, P50 milyon ang sangkot na halaga bago masampahan ng reklamong plunder ang isang taga-gobyerno.

Ngunit para kay Atty. Rodriguez, malaking kasalanan ang pagnanakaw sa pondo ng bayan kaya hindi na kailangan hintayin na umakyat sa P50 milyon bago magsampa ng kaso.

Hindi rin aniya maituturing na anti-poor kung gawing P5 milyon ang sangkot sa plunder dahil walang mahirap na magkakaroon ng ganoong halaga.

Patuloy ang panawagan ni Rodriguez sa sambayanang Pilipino na samahan siya sa kanyang kampanyang war on corruption.

Ang kampanyang ito ang pangunahing laman ng kanyang mga pananalita sa mga pagtitipon na kanyang dinadaluhan.

“Sakaling ako ay pahiramin ninyo ng inyong tiwala’t mandato na maging tinig ng π“π”ππ€π˜ 𝐍𝐀 πŽππŽπ’πˆπ’π˜πŽπ 𝐬𝐚 π’π„ππ€πƒπŽ, aking isusulong ang 𝐖𝐀𝐑 𝐎𝐍 π‚πŽπ‘π‘π”ππ“πˆπŽπ at pangungunahan ang ππ€π†π“π”π†πˆπ’ 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 π“πˆπ–π€π‹πˆ sa gobyerno.

Ang maibalik ang 𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇 ππ„ππ€π‹π“π˜ ay ang aking πŒπ€πˆπ’π”π† na ambag sa Pilipino para sa Pilipinas!” saad ni Atty. Rodriguez.

Hinimok din niya ang publiko na singilin at papanagutin ang mga nang-aabuso sa gobyerno partikular sa pondo ng bayan.

Sa kasalukuyan ay isa si Rodriguez sa mga paboritong imbitahan sa mga pagtitipon sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa abroad na mayroong komunidad ng mga Pilipino.

131

Related posts

Leave a Comment