NAGNAKAW SA BANGKO NAARESTO SA CURFEW

QUEZON – Arestado ang isang bank robbery suspect matapos na masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si John Alcris Morante Baloran, 25, taga Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa report ng Sariaya Police, nasita ang suspek habang naglalakad sa Maharlika Highway sa Barangay Hibanga patungo sa direksyon ng Lucena.

Nang beripikahin ang dala-dalahan nito, nakita ang ilang Card Bank saving accounts na may iba-ibang pangalan mula sa Card Bank Gibanga Branch.

Nang puntahan ang bangko, nakumpirmang napasok nga ito sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock.

Ikinanta ng suspek na may dalawa pa siyang kasama na sina Arnold Morante Baloran, 21, at Boyet De Belen na parehong taga Tondo, Manila.

Ayon kay Baloran, tangay ng dalawang suspek ang hindi pa matiyak na halaga ng cash money at isang Huawei tablet.

Nakakulong na si Baloran sa Sariaya Police Station locked-up cell samantalang pinaghahanap pa ang dalawang kasama nito. (NILOU DEL CARMEN)

87

Related posts

Leave a Comment