SUGATAN ang isang factory worker matapos na pagsasaksakin ng ama ng dalagang kanyang pinadadalhan ng malalaswang mensahe sa messaging app na messenger, noong Biyernes ng gabi sa Valenzuela City.
Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center sa ang biktimang si Alexander Marcial, 40-anyos.
Agad namang nadakip ng barangay officials ang suspek na si Rustan Chavez, 37-anyos, Ayon sa ulat na tinanggap ni Valenzuela City Police chief, P/Col. Fernando Ortega, nabasa ni Chavez ang malalaswang mensahe na ipinadadala ng biktima sa anak na dalaga ng suspek sa messenger.
Bunsod nito, nagpanggap ang suspek na siya ang dalaga at nakipagkasundo na makipagkita sa suspek sa isang lugar.
Agad namang pumayag si Marcial sa pag-aakalang ang kausap niya ay ang anak ng suspek ngunit nang magkita sila dakong alas-11:40 ng gabi sa harap ng Dela Cruz Compound sa Brgy. Bagbaguin ay agad siyang sinalubong ng mga saksak ni Chavez.
Bagama’t sugatan, nakatakbo ang biktima ngunit hinabol siya ng suspek at nang maabutan ay muling inundayan ng saksak hanggang sa dumating ang mga barangay official na agad na umaresto kay Chavez. (FRANCIS SORIANO)
