LAGUNA –Umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang lungsod ng Calamba at mga resorts owner sa Barangay Pansol, na pahintulutan na silang magbukas at tumanggap ng mga bisita dahil matindi na ang kanilang pagkalugi sa negosyo.
Sinabi ni Calamba Mayor Justin Chipeco, halos dalawang libong resorts owner ang apektado dahil sa kawalan ng kita.
Aniya, sana ay payagan na ang private resorts na magbukas kahit na ilang porsyento lamang gaya ng ilang hotels at staycations dahil mas ligtas umano ito sapagkat nasa open area ang mga pumupunta.
Dagdag pa nito, “Susunod po kami sa itatakda ng Inter-Agency Task Force kung ilang porsyento po ‘yan, ang importante lang po ay makapagbukas na at nagugutom na din po na po sila at hirap na hirap na din po ang mga taong umaasa sa industriya ng turismo sa aming lugar”.
Matatandaan, kabilang ang lalawigan ng Laguna sa NCR Plus na nasa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions na nagsimula noong Mayo 15 hanggang 31. (CYRILL QUILO)
