Naka-3 golds sa Asian C’ships CALOY YULO SWAK SA WORLD C’SHIPS

Ni VT ROMANO

SA ikatlong sunod na pagkakataon, swak si Carlos Yulo para sumabak sa World Championship sa Liverpool, United Kingdom bago matapos ang taon.

Ito’y makaraang makahablot ng tatlong ginto sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.

Ibinulsa ng 22-anyos Tokyo Olympian ang gold sa men’s vault, umiskor ng 14.800 points. Tinalo niya sina Tachibana Shiga ng Japan (silver) at Kim Hansol ng Korea (bronze).

Bago ito, sinungkit ni Yulo ang unang ginto noong Biyernes sa men’s floor ­exercise, sinundan ng tagumpay sa parallel bars (15.617 points). Mayroon din siyang silver medal noong Huwebes sa all-around event.

Si Yulo ang ‘most bemedaled’ Filipino athlete sa SEA Games sa Vietnam noong nakaraang buwan, kung saan humakot siya ng pitong medalya.

Lima rito ang ginto sa individual all-around, vault, floor exercise, horizontal bar at rings. Habang ang dalawang silver ay buhat sa ­parallel bar at team all-around events.

Ang men’s national team, kinabibilangan nina Juancho Besana, Jan ­Gywnn Timbang, John Ivan Cruz, Justine Ace De Leon at Yulo.

185

Related posts

Leave a Comment