NAKAPUWESTO PA RIN ANG MGA PULIS NA MAYROONG BUWANANG TARA

ILANG buwan na lang, tapos na ang termino ni General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagiging hepe ng Philippine National Police (PNP).
Nakatakdang magretiro si Eleazar sa Nobyembre 13 dahil 56 taong-gulang na siya.

Maliban na lang kung mapapaaga ang pag-alis ni Eleazar sa PNP kung ­maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Oktubre upang higit na makapaglingkod sa mamamayang Filipino.

Abangan!

Nang italagang hepe ng PNP si Eleazar, idiniin niya na lilinisin niya ang organisasyon ng mga pulis.

Tatanggalin niya ang mga gagawa ng kahit anong kasalanan at krimen, maliit man o malaki.

Nasimulan niya.

Sinamahan pa ni Eleazar ng paninermon sa mga pulis na nagkasala, o nakagawa ng krimen, tulad ng pulis na pumatay sa isang babae sa Quezon City, pulis na pumatay sa kapwa pulis sa Quezon City at mga pulis na natumbok na may kinalaman sa pagpatay sa alkalde sa Samar.

Pokaragat na ‘yan!

Inaabangan ko ang pagtanggal at paninermon ni Eleazar sa mga pulis na tumatanggap ng tara.

Sabi nga sa wikang ingles, “open secret” ang tara sa mga opisyal ng PNP mula sa kung sinu-sinong negosyante.

Maliban sa suweldo at mga benepisyo, ang persepsyon ng publiko ay kumikita ang mga pulis sa iba’t ibang paraan tulad ng “hulidap”,

“pangongotong”, “drug ops”, tara mula sa mga gambling lord at marami pang iba.

Ngunit, alam ba ninyo na pati pala sa mga mangingisda ay mayroong kita ang mga pulis?

Pokaragat na ‘yan!

Nakarating sa BADILLA Ngayon ang impormasyong mayroong mga pulis mula sa PNP – Region 1 na nagkakapera at nagkakaisda na galing sa mga mangingisda.

Pokaragat na ‘yan!

Ang matindi sa kanila ay lampas sa “minimum wage” ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang natatanggap ng opisyal mula sa mga mangingisda kada buwan, bukod pa sa mga malalaki at mamahaling isda.

Ayon sa impormasyong ipinarating sa BADILLA Ngayon, kapag hindi sila bigyan ng buwanang tara at mga isda, ipahuhuli ang mga mangingisda dahil labag umano sa batas ang kanilang ginagawa.

Kaya, para matigil ay nag-aabot ang mga mangingisda ng buwanang tara, o padulas, sa ilang pulis ng PNP – Maritime.

Pokaragat na ‘yan!

Sa kabila nito, dismayado ang mga mangingisda dahil ipinapahuli pa rin sila ng sinasabi kong pulis para magkaroon ng “accomplishment” ang PNP – Maritime sa kanilang ulat sa pambansang hepe ng PNP.

Pokaragat na ‘yan.

Kaya, mungkahi ko kay General Eleazar ay ilagay at idestino sa Camp Rafael Crame ang mga opisyal ng PNP – Maritime sa Region 1, sa pangunguna ng kanilang hepe.

oOo

CP: 09985650271 / Viber #: 09457016911

124

Related posts

Leave a Comment