NAMAMASYAL NA ARMADO, BAGSAK SA HOYO

BAGSAK sa selda ang isang lalaki matapos maaktuhang may dalang baril habang namamasyal sa Caloocan City noong Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan City Police nang lumapit ang isang Barangay Peace and Safety Officer (BPSO) at iniulat ang hinggil sa isang lalaki na may dalang baril habang naglalakad sa Pag-asa Street, Barangay 141, Bagong Barrio.

Agad namang nagresponde sa lugar ang mga pulis hanggang sa maispatan nila ang suspek habang naglalakad na agad nilang sinunggaban at kinumpiska ang dalang baril na isang .38 kalibre na may tatlong bala.

Walang maipakitang dukomento hinggil sa dalang baril ang suspek kaya dinala ito sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

(MARDE INFANTE)

53

Related posts

Leave a Comment