NANALONG KAPITAN NAMAHAGI NG LUPA

CAMARINES SUR – Maagang pamasko ang inihandog ng isang incumbent at muling nanalong barangay chairman para sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. Camagong, sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito.

Ito ay matapos mamahagi ang kapitan na si Ruben Bondad, ng isang ektaryang lupain para sa 70 pamilya sa kanyang nasasakupang barangay.

Ayon kay Kapitan Bondad, tig-100 square meters ang mapupunta sa bawat pamilya mula sa kanyang farm lot na hinati-hati niya na tila isang subdivision.

Mayroon din itong mga ‘right of way’ na may mga sukat na dalawang metrong luwang.

Laking tuwa at pasasalamat naman ng kanyang mga ka-baranggay at nagtulong-tulong para linisin ang lugar.

Nagdagdag pa ang kapitan ng donasyong kalahating ektarya para naman sa pagtatayuan ng mga bahay ng lahat ng mga guro na nagtuturo sa eskwelahan sa kanilang barangay.

Si Kapitan Bondad ay ang incumbent barangay captain ng naturang barangay na muling nahalal nitong nakaraang eleksyon dahil walang sinoman na nagtangkang lumaban sa kanya.

(NILOU DEL CARMEN)

238

Related posts

Leave a Comment