NANDO NAGING SUPER TYPHOON, PREVENTIVE EVACUATION IPINAG-UTOS

AGAD na ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na agad magsagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar na tatamaan ni Super Typhoon Nando.

“With Nando now stronger, LGUs must waste no time in moving families out of danger zones,” ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na nagpapaalala ring ipatupad agad ang evacuation, liquor ban, no-sail policy, at paghahanda ng evacuation centers.

Nabatid na bandang alas-8:00 kahapon ng umaga ay inihayag ng PAGASA, ang state weather ng bansa, na tuluyan nang naging isang super typhoon si Nando na may International name: Ragasa, habang nasa karagatan saklaw ng Philippine Area of Responsibility.

Itinaas din ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa full alert status ang lahat ng ahensyang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa sa panahon ng kalamidad.

Ito ay kasunod ng pulong paghahanda na ipinatawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.

“The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) convened on Saturday afternoon to discuss situation updates and coordinate response operations for Typhoon “Nando” and the Southwest Monsoon. The meeting, led by NDRRMC Chair and Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., was held at the Office of Civil Defense Headquarters in Camp Aguinaldo, Quezon City,” ayon sa NDRRMC at Office of Civil Defense.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Health sa publiko na sumunod sa safety protocols at tumawag sa 911 sa oras ng emergency.

Ayon naman sa DSWD, naka-preposition na ang food packs at emergency kits, habang P88 milyong halaga ng supply at nakaalerto ring rescue at medical teams ang inihanda ng Office of Civil Defense.

Nasa Signal No. 2 na ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), bahagi ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, at hilagang Ilocos Norte.

Isa nang super typhoon si Nando (international name: Ragasa) na may lakas ng hangin na 185 km/h at bugso na 230 km/h, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga.

Nagbabala ang PAGASA ng storm surge na lampas tatlong metro sa baybaying bahagi ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Mayroon ding gale warning sa hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Luzon.

Inaasahang tatama o daraan si Nando sa Batanes o Babuyan Islands sa Lunes ng hapon o gabi, at posible pang umabot sa Signal No. 5 bago lumabas ng PAR sa Martes ng umaga.

Pinayuhan ang mga residente sa high-risk areas na agad lumikas at sundin ang abiso ng lokal na pamahalaan

Huling namataan ang bagyo 535 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nasa Signal No. 2 ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), hilaga at silangan ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, at hilagang Ilocos Norte.

(JESSE RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment