10-ORAS GINUGUGOL NG PINOY SA INTERNET

net500

(NI JESSE KABEL)

NAPANATILI ng Pilipinas ang pagiging number one social media users sa buong mundo dahil sa haba ng oras na inilalaan ng mga Pinoy sa paggamit ng internet at pagbisita sa mga social media sites

Ito na ang ika apat na taong sunud-sunod na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa paggamit ng social media, ayon sa pag-aaral ng “We Are Social” at ng social media management platform na “Hootsuite”.

Ayon sa pag aaral napakaraming Filipino ang naglalan maraming oras sa internet  at social media sites.

Ayon sa  “Digital 2019: Global Digital Overview” umaabot sa average na  10 oras at  dalawang minuto ang ginugugol ng mga Pinoy sa internet gamit ang iba’t- ibang device.

Pumangalawa lamang ang Brazil na may internet usage na nag-aaverage lamang na  siyam na oras at 29 minuto habang pangtalo ang  Thailand na siyam na oras at  11 minutos, habang nasa hulihang puwesto ang United Kingdom na may limang oras at 46 minuto.

 

Nabataid na ang  worldwide average para sa oras na ginugol sa  internet ay anim na oras at  42 minutos lamang .

umaabot naman sa apat na oras at 12 minuto ang inilaaan ng mga Pinoy sa pagbisita sa mga social media sites gamit ang iba’t ibang platform.

Sumusunod sa Pilipinas ang mga  Brazillians (3 hours, 34 minutes) at  Colombians (3 hours, 31 minutes).

Ang  worldwide average para sa paggamit ng  social media ay  2 oras at 16 na minute at nasa huling puwesto ang Poland, Canada at Hongkong .

Sa inilbas na report nitong nakalipas na buwan ng enero 2019 may 4.39 billion internet users sa buong mundo na nagpapakita ng siyam na porsyentong pagtaas o karagdagang 366 million kumpara sa kahalintulad na panahon nuong nakalipas na taon ng 2018.

Samantala umaabot naman sa 3.48 billion ang mga social media users nitong  2019, kung saan 3.26 billion ang gumagamit ng social media sa kanilang mga  mobile devices.

Nanatiling nadodomina ng  Facebook ang internet bilang pangunahing social media platform na may  2.71 billion users, sinundan ito ng YouTube na amy  1.9 billion users, at ang  messaging services na WhatsApp (1.5 billion) habang ang  Facebook Messenger naman ay may 1.3 billion users.

 

 

277

Related posts

Leave a Comment