10 PINOY LIGTAS SA GUMUHONG APARTMENT SA RUSSIA

GUMUHO SA RUSSIA

LIGTAS ang sampung Filipino sa naganap na pagsabog at nagdulot ng pagguho ng isang high-rise apartment building sa Magnitogorsk, Russia ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Labing-apat na katao ang naiulat na namatay habang 30 naman ang nawawala.

Buhay naman nang mahugot ng Russian rescuers ang sanggol na lalaki mula sa gumuhong apartment subalit hindi pa ito tiyak na ligtas dahil nagkaroon ito ng matinding injury.

Gas leak ang inisyal na ulat na dahilan ng pagsabog.

Nagpahatid na ng pakikiramay si Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta sa pamilya ng mga namatayan.

10

Related posts

Leave a Comment