6 TAONG KULONG VS ABUSADONG OSPITAL  

ABUSADONG OSPITAL

(Ni NOEL ABUEL)

MAHAHARAP sa pagkakakulong ng 6-taon ang mga opisyales ng isang ospital na mapatutunayang nang aabuso at nangho-hostage ng mga pasyente nito.

Ito ay sa sandaling maipasa ang panukalang batas na inihain ni Senador Risa Hontiveros na naglalayong parusahan ang mga abusadong ospital sa gitna ng nararanasang outbreak sa mga sakit na dengue, tigdas at iba pang sakit.

Paliwanag nito, hindi katanggap-tanggap na i-hostage ang isang pasyente dahil sa kawalan ng pera nito kung kaya’t dapat na paigtingin ang karapatan ng mga pasyente partikular ang mga mahihirap.

“Sa panahon ng iba’t ibang epidemiya and with the ongoing push towards universal healthcare in the country, ang mga hospital ay dapat lugar gamutan at hindi kulungan,” giit ni Hontiveros.

“Patients are not prisoners. Sila ay mga pasyente, hindi mga detainees. While we recognize that costs of hospitals must be covered for continued operations, the top priority should be the people’s health,” dagdag pa nito.

Nagpahayag naman ng pagkaalarma ang Department of Health (DOH) na nasa 250,000 kaso ng dengue ang naitala ngayong 2019 habang may measles outbreak din na naitala sa National Capital Region (NCR) at ang pinakahuli ay muling pagbabalik ng polio disease.

Sa inihain nitong Senate Bill no. 166, o mas kilalang Strengthened Anti-hospital Detention Law, nais nitong magtatag ng Anti-Hospital Detention Fund bilang suporta sa bayarin ng mga indigent patients at payagan ang mga pagkakautang nito sa pamamagitan ng guarantees mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance (GSIS) o ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

140

Related posts

Leave a Comment