AKTIBIDAD NI PDUTERTE IPINAGPALIBAN

duterte15

BUNSOD ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal ay kinansela kahapon ng Malakanyang ang official schedule ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakatakda sana ngayon, Enero 14.

Nakatakda sanang pangunahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang event na Distribution of Benefits to Rebel Returnees sa San Isidro Civic Center (SICC), San Isidro, Leyte.

Layunin naman ng pagkansela at muling pagtatakda sa ibang araw ng nasabing event ay ang tiyakin na ligtas ang pagbyahe at maayos ang preparasyon ng mga opisyal na may kinalaman sa engagement na ito ng Pangulo sa San Isidro, Leyte.

“The distribution of benefits to rebel returnees – has been rescheduled to later date,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Samantala, itinuloy naman ni Pangulong Duterte ang pagbisita nito sa Philippine Marine Corps Gymnasium sa Fort Bonifacio, Taguig City. (CHRISTIAN DALE)

401

Related posts

Leave a Comment