ASEAN GAMES 2019 PINATUTUTUKAN NI PACQUIAO

seagames6

(NI NOEL ABUEL)

IPINATITIYAK ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin na nag-uusap ang mga ito kaugnay ng gaganaping 30-taong Southeast Asean Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.

Ayon sa Pambansang Kamao, dapat na matiyak na hindi mapapahiya ang bansa sa muling pagho-host ng ASEAN Games.

Aniya, naglaan na ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Comittee ng P7.5 bilyon para sa paghahanda at operasyon nh naturang palaro.

Gayundin, natukoy na rin ang mga lugar na pagdarausan ng 55 uri ng palakasan kabilang ang mga lalawigan ng Clark, Pampanga; Subic, Zambales; Batangas; La Union; Tagaytay at Metro Manila.

“In order to ensure a solid preparation and showcase the government’s excellence in executing its functions, there is need to constantly and harmoniously coordinate with the concerned government agencies,” ayon pa sa senador.

At upang makatiyak na walang magyayaring kapalpakan sa paghahanda ay pinaimbestigahan ni Pacquiao sa Senate committee on sports ang ginagawa ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang malaman kung sino ang nagpabaya sa paghahanda sa ASEAN Games.

138

Related posts

Leave a Comment