AUGUST 24, BALIK-ESKWELA KAHIT WALA PANG BAKUNA KONTRA COVID-19

SINANG-AYUNAN ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran ang desisyon ng Department of Education na buksan na ang klase sa August 24, 2020.

Base na rin sa itinatadhana ng batas, ang pagbubukas ng klase ay hindi maaaring lumampas sa buwan ng Agosto, at kailangan nang bumalik muli sa pag-aaral ang mga bata.

“Hindi naman kailangang face to face classes. Maaaring gumawa ng learning modules ang eskwelahan na gagawin naman ng bata sa bahay. Workbooks and online teaching can be the schools’ alternatives for physical classes,” pahayag ni Taduran.

“Unless schools can do widespread testing, set up sanitizing tents and temperature checks at the entrance gates, impose health protocols and provide a quarantine facility for the students at the first sign of illness, then they can do face to face classes with limited number of students in attendance,” ayon sa Asst. House Majority Leader.

Sinabi ng mambabatas na maaari ring gumawa ng isang phone app na tutukoy sa mga batang may sintomas ng COVID-19. Ito rin ang mag-oobserba sa kalagayan ng batang pasyente at tutukoy naman sa mga nakasalamuha nito para sa contact tracing.

Iminungkahi rin ni Rep. Taduran na unahing pabalikin nang paunti-unti para sa physical classes ang mga batang nasa middle school at high school dahil mas nakakasunod na ang mga ito sa social distancing at palaging pagsusuot ng face mask.

“Habang hinihintay natin ang bakuna sa COVID-19, panatilihing malusog ang ating mga anak sa pamamagitan ng ehersisyo, pagkain ng prutas at gulay, pagtulog nang maaga at pagbibigay sa kanila ng vitamins at mineral supplementation. At dapat ding huwag kalimutan ang iba pang bakuna na kailangan ng mga bata lalo na ang taunang flu shots,” paalala ni Taduran. CESAR BARQUILLA

253

Related posts

Leave a Comment