BASIC EDUCATION STUDENTS BAGSAK SA SCIENCE AT MATH

BAGSAK na grado sa agham at matematika ang nakuha ng ilang basic education student mula sa ilang pribadong eskuwelahan na sumali sa assessment na layong masolusyunan ang tinatawag na learning loss.

Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng estudyante.

Sa katunayan, base sa resulta ng assessment ng Philippine Assessment for Learning Loss Solutions (PALLS), nakakuha lamang ng average score na 54.1% para sa Science o Agham at 47,5% naman para sa Matematika ang 3,600 Private School G1-12 Students mula sa 18 eskuwelahan sa bansa.

Mas mababa ito sa 60% standard passing score na itinakda ng DepEd.

Sa English lamang pumasa ang mga estudyante sa markang 61.5%.

Sa ulat, isinagawa ng University of San Carlos at THAMES International School ang pagsusulit sa huling quarter ng 2022.

Saklaw ang “most essential learning competencies (melcs)” mula third hanggang fourth quarter.

Nakita rin na mas mababa ang nakuhang marka ng mga nasa mas mataas na grade level.

Dahil dito, kabilang sa mga rekomendasyon ang pagkakaroon ng detalyadong “periodic at granular assessment, remediation programs with technology, TV, online support; teacher upskilling at tutor recruitment and training” sa mga mag-aaral.

Tinuran ni University of San Carlos President Fr. Narciso Celland Jr., “If not addressed collectively, systematically and urgently, learning loss will translate into huge productivity loss and costly economic consequences. It is therefore hoped that through this initiative, USC and Thames International will find like-minded individuals and groups who will partner with us in crafting and putting in place intervention programs that will put a stop to learning loss and turn it to a learning boost.”

Kinatigan naman ito ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA).

Sinabi ni COCOPEA Legal Counsel Atty. Kristine Carmina Manaog, na mayroong learning crisis issue sa bansa.

Winika ni Manaog na masyadong teknikal ang science at math at mismong mga guro ay pinag-aaralan ito nang mabuti para epektibo ring maituro sa mga estudyante.

Samantala, aminado naman ang DepEd na talagang may learning loss kaya ilulunsad na ang ilang national programs na tutugon dito. (CHRISTIAN DALE)

249

Related posts

Leave a Comment