BELLO PERSONA NON GRATA SA DAVAO CITY

IDINEKLARANG ‘persona non grata” ng City Council ng Davao City si Vice presidential aspirant Walden Bello.

Pinagbasehan ng City Council ang “baseless allegation” ni Bello na korapsyon sa lungsod na nais nitong linisin.

Sa isang resolusyon, sinabi ng City Council na pinaratangan at itinuring ni Bello ang Davao City bilang “drug center of the south” sa ilalim at kontrol ng miyembro ng pamilya Duterte.

“The City Council denounces the unbecoming character of Walden Bello, particularly his act of employing malicious tirades. Davao City’s exemplary reputation is the hard work not only of the local government but of every honest, disciplined, responsible Dabawenyo. As we condemn Walden Bello’s acts, we also vehemently declare that he is not welcome to enter the borders, and the entire territorial jurisdiction of Davao City,” ayon sa resolusyon.

Taliwas sa alegasyon ni Bello, nakasaad sa resolusyon na ang Davao City ay nakatanggap ng 118 awards at citations bilang pagkilala sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang klase ng pamamahala at serbisyo mula 2016 hanggang 2021. (CHRISTIAN DALE)

90

Related posts

Leave a Comment