BOC MULING NAKAISKOR; P.6-M ILLEGAL DRUGS NASABAT SA NAIA

BOC-NAIA-3

Muling nakapuntos ang Bureau of Customs- Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) laban sa sindikato ng ilegal na droga matapos makasabat ang ibat-ibang ipinagbabawal na gamot na tinangkang ipuslit.

Kabilang sa mga nasabat ng BOC-NAIA ang 71.6 gramo ng shabu at 97 tableta ng valium na nakalagay sa ibat-ibang parcels.

Tinatayang nasa P660,000 ng halaga o street value ng ibat-ibang ng mga ilegal na droga na nakumpsika.

Ang ipinagbabawal na gamot ay nakita sa DHL warehouse sa NAIA.

Nabatid na anim na ibat-ibang packages ay mula sa ibat-ibang consignees na target para sa profiling. Idinaan ang mga parcels sa x-ray at physical examination kaya natuklasan na lima sa mga packages ay naglalaman ng white crystalline substance o shabu habang ang isang package ay naglalaman ng valium na nakalagay sa libro, speakers at mga dokumento.

Ang parcels ay itinurn-over ng BOC-NAIA sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. (Boy Anacta)

104

Related posts

Leave a Comment