(BERNARD TAGUINOD)
PINATUNAYAN na walang silbi ang SIM Card Registration Act para protektahan ang consumers laban sa scammers at manloloko sa gitna ng nangyaring system error ng isang mobile payment service provider.
Kaya naman naniniwala ang isang mambabatas sa Kamara na kailangan amyendahan ang nasabing batas.
Kasabay nito, iginiit ni House assistant minority leader Arlene Brosas na hindi dapat ipagkibit-balikat lamang ng gobyerno ang karanasan ng GCash users na nawalan ng pera matapos umanong magkaroon ng problema sa nasabing mobile payment service provider.
“We demand GCash to immediately return the stolen funds to affected users and explain how these mass unauthorized transactions happened despite their supposed security measures,” ani Brosas.
“This is unacceptable especially since many Filipinos rely on e-wallets for their daily transactions and family expenses,” dagdag pa ng mambabatas.
Noong weekend ay maraming GCash users ang nabawasan ng pera sa kanilang account matapos magkaroon umano ng process error na hindi matanggap ni Brosas dahil patunay ito na hindi kayang protektahan ng nasabing kumpanya ang perang pinaghirapan ng kanilang mga kliyente.
Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa GCash kaya dapat aniyang patawan ang mga ito ng parusa.
“We call on the Bangko Sentral ng Pilipinas and other relevant government agencies to investigate GCash’s security protocols and impose appropriate penalties if found negligent. Women and ordinary citizens should not bear the burden of corporate negligence and ineffective government policies,” ani Brosas.
Dapat na rin aniyang rebisahin ang SIM Card Registration law dahil marami pa rin ang nabibiktima ng scammers subalit hindi naparurusahan ang mga salarin na patuloy na nanloloko sa mga Pilipino.
“Dapat ibasura na ang SIM Card Registration Act. It has clearly failed to prevent scams and fraud. Instead, it has made millions of Filipinos vulnerable to data breaches while their hard-earned money remains at risk. What we need is stronger regulation of fintech companies and better consumer protection mechanisms,” giit pa ng mambabatas.
28