COVID-19 RECOVERIES SA PINAS, TUMATAAS

PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa Pilipinas na para sa Department of Health (DOH) ay dahil nagkaroon na ng sapat na karanasan ang mga doktor sa loob ng limang buwan ng pandemic.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Vergeire, nakakabisado na ng mga doktor kung paano gamutin ang isang COVID-19 patient kaya dumarami na ang gumagaling.

Bukod dito, mayroon na rin umanong function of reporting kung saan nalilinis na ang data at naisasama na ang recovery cases na dati ay hindi naiuulat ng mga local government unit (LGUs).

Kaya asahan na umanong marami pa ang maidadagdag sa listahan ng mga nakakarekober sa sakit sa mga susunod na araw. D. ANIN

133

Related posts

Leave a Comment