PAGKAKAROON NG MARAMI PANG OFWs IKINALUNGKOT NI DU30

duterte14

(Ni CHRISTIAN  DALE)

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Labor Day at ikinalungkot niya ang patuloy na pagdami ng OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ipinalabas na kalatas ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang makakaya nito para matuldukan ang illegal contracting.

Patuloy siyang umaasa na may babalangkasing batas ang kanyang mga kaalyado sa kongreso para pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa partikular na ang may kaugnayan sa kanilang security of tenure.

Kinilala naman ng pangulo ang malaking sakripisyo ng mga Filipino na malayo sa kanilang pamilya pa-ra sa pagkakaroon ng magandang trabaho.

80

Related posts

Leave a Comment