EX-CONGRESSMAN SYJUCO PUMANAW NA

Rep Augusto Boboy Syjuco Jr

PUMANAW na si dating Iloilo Rep. Augusto “Buboy” Syjuco Jr., noong Lunes, Enero 13, 2020 sa edad na 77.

Base sa report mula sa local media sa Iloilo, inilathala ang pagpanaw ni Syjuco noong Lunes ng tanghali sa hindi malinaw na kadahilanan subalit matagal na umano itong may iniindang sakit.

Kumalat din ang balita na sa Singapore namatay si Syjuco kung saan ito nagpapagamot sa kanyang sakit at agad din umano itong ipina-cremate ng kanyang pamilya.

Si Syjuco ay huling nagsilbi sa gobyerno bilang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Bago ito ay naging kinatawan ng ikalawang distrito ng Iloilo si Syjuco mula 1998 hanggang 2004 at mula 2010 hanggang 2013 bago ito naging director general ng TESDA.

Noong n Agosto 2019, na-convict sa kasong fraud sa Sandiganbayan si Syjuco matapos nitong aminin ang pagkakasala sa P4.3 milyong cash grant sa Department of Agriculture (DA) , gamit ang kanyang Pork Barrel funds noong siya’y isa pang kongresista.

Nauna nang pinayagan ng second division ng anti-graft court si Syjuco para makipag-plea bargain agreement sa kaso nito dahil sa humihina nitong kalusugan.

“(Syjuco is) slowly dying as he is currently suffering from advanced myelodysplastic syndrome,” base sa kanyang motion for plea bargain agreement noong Marso 2019. (BERNARD TAGUINOD)

155

Related posts

Leave a Comment