FL LIZA LALONG NABAON SA ‘DAMAGE CONTROL’

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SA halip makabuti, tila nakasama pa ang inilabas na pahayag ni First Lady Liza Araneta Marcos matapos ang kontrobersyal na ‘pag-agaw’ niya sa wine glass ni Senate President Chiz Escudero dahil lalo itong pinag-usapan partikular sa social media.

Sagot ng netizens, “very poorly-written script” ang inilabas na depensa ng Unang Ginang. Maliwanag anilang damage control lalo pa’t lumabas ding kahiya-hiya si Pangulong Marcos sa pangyayari.

Viral ang video na nakahagip sa nasabing pangyayari sa Vin D’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang noong Miyerkoles.

Paliwanag ng maybahay ni Pangulong Bongbong Marcos, matapos nilang batiin ang nasa 82 ambassadors at iba pang kinatawan ng international organizations ng mahigit isang oras, pumasok na sila ni PBBM sa ceremonial hall at itinuro sila sa kinaroroonan nina Senator Escudero at Speaker Martin Romualdez.

Kinantyawan aniya siya ni Escudero na may energy pa matapos tumayo ng mahigit isang oras at inalok siya ng maiinom ng senador.

Bilang tugon, may kapilyahan aniyang kinuha niya ang champagne glass ng senador, uminom saka ito ibinalik. Sinabihan din daw niya ang senador ng: “Eeww, hindi naman malamig ang champagne mo” at nagkatawanan na lang aniya sila.

Ngunit hindi sang-ayon dito ang mga nakapanood sa video.

Kantyaw pa nila, rapper daw ba ang Unang Ginang at nagawang sabihin ang mahabang linya sa loob lang ng ilang segundo.

Base mismo kay FL Liza, nasa 10 segundo ang pag-uusap nila ni Escudero.

Aniya pa, matagal na silang magkakilala ni Escudero mula panahon pa ng kanilang law school dahil nag-aral ito sa UP habang siya naman sa Ateneo at talagang magkaibigan silang dalawa.

“We’ve been friends for like forever. So whether ‘I made him a waiter’ and/or ‘he responded like a gentleman’ is between us,” ayon sa Unang Ginang.

Hindi naman ito kinagat ng publiko na mas gustong isipin na totoo ang usap-usapan na mahilig uminom ang Unang Ginang. Tila nga raw bigla itong nauhan nang makita ang champagne glass ni Escudero.

Narito ang ilan sa mga komento na mababasa sa X, dating Twitter:

Alita:
– there’s no way chiz could’ve uttered such a long praise in such a brief exchange.
– the words are so not chizy
– the time frames of their law shool years don’t seem to add up

Narilou:
I thought her action was a sure display of disrespect for her husband President Bongbong Marcos who was standing next to her. There are such things as decorum and proper etiquettes especially for a lady like her positioned in a pedestal. This was an official Malacanang event, not a private swing party.

WanderCup:
Tma stament that makes and think of filipino being gullible and stupdier. She knows ayuda lang lang katapat ng pinoy

Thegreatshamalayn:
may telepathic skills po si liza, yung nag convo sila ni chiz pero sa mind lang daw nila tska di natin malalaman kasi thru eye niya pinakita sa atin. pero in reality is nag usap sila. HAHAHHAHAHAA

4Barbelo:
Cge nga sabihin ni @SayChiz yang sentence na yan then compare don sa video kung gaano kabilis nilagok ni lam ang alak.
Nagtotolerate man sa ka ipokretahan at corruption ng marami sa gobyerno pro di lahat ng mga nanood na publiko ay tanga.

monica:
ni hindi nga halos nagsalita sa video si chiz. bumuka ba yun bibig? anu to lokohan

51

Related posts

Leave a Comment