FPRRD BIGONG BUSALAN NG KAMARA

HINDI nagawang busalan ng mga mambabatas si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil muli ay dedma ito sa imbitasyon ng apat na House joint committees sa pagdinig kaugnay sa diumano’y extrajudicial killings sa panahon ng war on illegal drugs ng kanyang administrasyon.

Ayon sa kampo ng dating pangulo, walang saysay ang dumalo sa nasabing pagdinig dahil hindi naman totoong nabibigyan ng pagkakataon na magsalita ang mga resource person. Madalas umanong nabubusalan ang mga ito at kapag nagsalita ng hindi nagustuhan ng mga mambabatas ay ipinako-contempt sila.

“FPRRD (former president Rodrigo Roa Duterte) said he won’t attend because it’s a useless exercise. Resource persons are not allowed to explain. The committee members stop them from speaking out,” ang sinabi ni dating presidential chief legal counsel Salvador Panelo.

Sa ulat, sinabi ni Manila’s 6th congressional district Benny Abante na plano ng House joint committees na imbitahan si Digong Duterte kasunod ng naging pahayag ni dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na ang kanyang pangalan ay kasama sa narcolist dahil hindi niya sinuportahan ang dating Pangulo sa 2016 elections.

Para naman kay Panelo, “a lot of nonsense” ang sinabing dahilan ni Mabilog kung bakit ang kanyang pangalan ay nasa narcolist. (CHRISTIAN DALE)

81

Related posts

Leave a Comment