ITO ay kung hindi na ipagpapaliban pa ang Bangasamoro Autonomous region for Muslim Mindnao parliamentary election na planong gawin na lamang sa susunod na taon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia, malaki ang masasayang na pondo ng gobyerno kung sakaling hindi isabay ang BARMM parliamentary election sa nakatakdang May 2025 midterm elections.
Ginawa ni Garcia ang pahayag bilang tugon sa inihaing panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa rehiyon.
Subalit nilinaw ni Comm. Garcia na nakahanda ang Comelec na sumunod anomang oras na ipag-utos ang pagdaraos ng BARMM poll sang-ayon sa batas o sa mapagtitibay na batas sa Kongreso base sa mga inihaing panukala hinggil sa posibleng pagpapaliban ng botohan.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Garcia na nakahanda ang poll body sa pagsasagawa ng kauna – unahang halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Garcia, “Kapag ito po ay na-deter at na-postpone, tatanungin po ng lahat, may gastos po ba? May gastos po kung ngayon nakasama lang siya sa national election, kapag nagdefer po tayo ng halalan at yun po ay mangyayari halimbawa sa 2026 base sa proposal sa panukala at tayo po ay mag-automate ng Bangsamoro election ay P3 billion”.
“Kung tayo naman po ay mag-manual election sapagkat maiksi lang naman ang balota, isusulat na lamang ang pangalan ng mismong representate ng Distrito at ang political party na ihahalal, mga P800 million to P1 billion ang magagastos ng Commission on Elections,” paliwanag pa ni Garcia.
Sakaling di matuloy, masasayang din aniya ang kanilang mga isinagawang paghahanda para dito. Paliwanag pa ng opisyal na isang makina lamang ang gagamitin para sa 2025 midterm elections at BARMM election.
Bukod pa rito ang kakailanganing panahon para sa pagpapa-imprenta ng mga balotang gagamitin.
Iniulat rin nito na sinimulan na rin nila ang pagtanggap ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa eleksyon sa BARMM. (JESSE KABEL RUIZ)
62