HUSTISYA SA PINAS PINUNA NG SOLON

LALONG lumakas ang duda ng publiko na ang hustisya ay para sa mayayaman at makapangyarihan lamang.

Ito ang pahayag ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil sa bilis ng pag-usad ng kaso ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Remulla III habang libu-libo ang nananatili sa kulungan dahil sa bagal ng paglilitis sa mga ito.

“Di tuloy natin masisi ang karamihan sa ating mga kababayan na mag-isip na ang batas at hustisya sa Pilipinas ay nakakiling sa mga mayayaman at makapangyarihan samantalang ginagamit naman laban sa mga mahihirap at inaapi,” ani Zarate.

Tatlong buwan lamang ang itinagal ng kasong illegal possession of drugs ng batang Remulla sa Las Pinas Regional Trial Court bago ito inabswelto.

Sinabi ng dating mambabatas na taliwas ito sa kaso ng mga ordinaryong Pilipino na taon na ang binibilang sa kulungan ay hindi pa nareresolba ang kaso.

“Sanaol other long pending cases are as expeditiously decided like that of the young Remulla. While poor families or victims of trumped up charges languish in jail for years even decades, the young Remulla’s case is not even three (3) months old,” ayon pa kay Zarate.

Hindi rin maiwasang magtampo ni Albay Rep. Edcel Lagman dahil kung anong bilis ng pag-absuwelto sa kaso ng batang Remulla ay siyang bagal naman aniya ng pagpapalaya kay dating Sen. Leila de Lima.

“It is grossly unfortunate that the exoneration of a Remulla scion was swift but the liberation of former Sen. Leila de Lima is stranded in the dark tunnel of injustice,” ani Lagman.

Sa susunod na buwan ay ika-6 na taon na ni De Lima sa kulungan dahil sa umano’y gawa-gawang kaso na isinampa ng administrasyon ni Duterte hinggil sa illegal drug trade sa National Bilibid Prison. (BERNARD TAGUINOD)

30

Related posts

Leave a Comment