KABILANG ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan sa tatalakayin sa pag-uusap ngayong araw nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio.
Ang official visit sa Pilipinas ni Prime Minister Kishida ay magsisimula ngayon hanggang bukas (Sabado).
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyang-diin sa pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.
“Both leaders are expected to discuss the two countries’ multifaceted and dynamic cooperation on political and security cooperation and economic and people-to-people relations,” ayon sa departamento.
“Among the specific issues to be discussed are the West Philippine Sea, trade and investment, and Japan’s Official Development Assistance (ODA). They will also exchange views on major regional, international, and United Nations issues affecting the region and the world,” dagdag na wika nito.
Opisyal namang tatanggapin ni Pangulong Marcos si Prime Minister Kishida sa isasagawang welcome ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.
Nauna nang bumisita si Marcos sa Japan noong Pebrero ngayong taon kung saan sinelyuhan ang $13 bilyong halaga ng kasunduan na magreresulta ng libo-libong hanapbuhay para sa mga Pilipino.
(CHRISTIAN DALE)
237