JEEPNEY PHASEOUT NAMUMURO NA

JEEPNEY

MISTULANG ginagamit na lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang COVID-19 pandemic upang tuluyang ipatupad ang phaseout sa mga public utility jeep (PUJ) sa Metro Manila.

Ito ang duda ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, dahil hindi pa rin pinapayagan na bumiyahe ang mga pampasaherong jeep sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

“It appears that the DOTr is using the CoVid pandemic to push through with its anti-people and anti-poor plan to get rid of jeepney,” ani Colmenares kaya nagpoprotesta ang mga ito.

Magugunitang matagal nang plano ng DOTr na iphaseout ang mga PUJ lalo na ang mga luma at kakarag-karag bilang isa sa mga solusyon sa problema ng trapiko sa Metro Manila.

Gayunpaman, unti-unti itong gagawin ng gobyerno subalit may duda si Zarate na ipatutupad na ito at idinadahilan lang ang pandemya sa COVID-19 para maisagawa na ito.

Ayon sa mambabatas, kapag tuluyang hindi pinayagan ang mga pampasaherong jeep na bumiyahe, mas lalala ang kahirapan dahil dadami pa ang mawawalan ng hanapbuhay.

Wala aniyang ibang magdurusa sa transport crisis na sasalubong sa mga tao sa ilalim ng GCQ kundi ang mga karaniwang manggagawa kapag hindi pa rin pinayagan ang mga jeep na bumiyahe na mas mura ang pasahe kumpara sa ibang transportasyon. BERNARD TAGUINOD

120

Related posts

Leave a Comment