LPA NAGING BAGYO NA – PAGASA

BAGYONG USMAN-2

GANAP nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang bagyong Perla.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) ang bagyong Perla ay huling namataan sa Baler, Aurora, taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 55kph, kumikilos ito sa bilis na 20kph.

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon ng Northern Luzon ay inaasahang hihina ito dala ng hanging amihan.

Sinabi ni  PAGASA weather specialist Lorin dela Cruz  na hindi paborable sa mga bagyo at LPA ang northeasterly surface wind flow o hanging amihan kaya kung magsasalubong ito ay hihina ang bagyo.

Apektado ng northeasterly surface windflow  ang Batanes at Babuyan Group of Islands, inaasahang makakaranas ng maulap.na panahon hanggang mahinang paguulan sa lugar.

 

217

Related posts

Leave a Comment