HINIKAYAT ni Senador Grace Poe sa national at local government na tiyakin na maipatutupad ang malinaw na health protocol sa pagdedeklara ng general community quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila at ilang lugar sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat maging kampante ang lahat sa transisyon mula sa enhanced community quarantine tungo sa GCQ.
“We must not let our guard down even with the transition to general community quarantine. The national and local government should be present every step of the way to set and implement clear protocols on how our people will deal with the new normal,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na pinakamahalaga sa pagbabalik ng aktibidad ng ekonomiya ang pampublikong transportasyon na siyang gulugod ng urban mobility.
“Sa mga pampublikong sasakyan lamang umaasa ang ating mga ordinaryong manggagawa para makarating sa kanilang pinagtatrabahuhan,” giit ni Poe.
Umaasa si Poe na nakabuo na ang Department of Transportation (DOTr) ng sistema upang maging maayos at malinis ang mga public utility vehicles (PUVs) para sa kaligtasan ng pasahero at drayber. ESTONG REYES
