Manatili sa bahay kung ayaw mamatay – Malakanyang PINAS 2ND SPOT SA MOST COVID CASES SA ASYA

HINDI na nagtaka ang Malakanyang sa inilabas ng John Hopkins corona virus resource center na ang Pilipinas na ang pangalawa sa Southeast Asia pagdating sa ‘most number of covid cases’.

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay dahil sa wala pang bakuna sa bansa kontra covid kaya’t sumirit ang kaso ng nagpositibo sa COVID-19.

“Well gaya po ng nasabi ko na po kanina hindi na po nakapagtataka ‘yang pagtaas ng kaso ng covid habang wala pa pong bakuna, habang wala pa pong gamot,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kabilang banda, ang mabuting balita naman ay karamihan talaga ng aktibong kaso ay mild or asymptomatic at ang binabantayan aniya ng pamahalaan ay iyong mga pagkakasakit ng severe o critical.

Wala naman aniyang dapat ipangamba ang publiko dahil sapat ang kakayahan ng bansa na bigyan ng lunas ang mga ito.

“Yan po yung critical care capacity na sinasabi natin. So, sa akin po wala naman pong dahilan para mabahala kinakailangan lang po talaga ipatupad natin yung siguradong mga armas natin laban sa COVID-19 gaya ng sinabi mo wearing of mask, social distancing and paghuhugas ng kamay at pananatiling malusog,” aniya pa rin.

Importante rin aniya na alam ng lahat ang karanasan ng ibang bansa na talagang napakarami ng namamatay sa vulnerable groups, matatanda, mga buntis, mga kabataan at mga may sakit.

“So itong mga vulnerable populations kung ayaw po natin masama sa datos ng mga namatay, manatili po tayo sa ating mga tahanan, at ‘wag naman po tayo mag-alala,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Kahapon aniya ay nagpulong sila ng mga alkalde ng Metro Manila at alam na aniya ng mga ito kung nasaan ang mga lugar na dumarami na naman ang kaso ng COVID-19.

“Aktibo po nilang sinasarado to, sa ngayon po sa ating polisiya na instead of community lockdowns, magkakaroon po tayo ng localized and granular lockdowns, so siguro yan po yung malaking pagbabago sa ating estratehiya. Yung sinabi ko kanina na kinakailangan mas aktibo na ngayon ang LGUs dahil sila na ang magpapatupad ng localized lockdowns,” aniya pa rin.

Ang panawagan naman nito sa pribadong sektor ay ipa-test ng mga employer ang kanilang mga empleyado habang ginagawa naman ng gobyerno ang lahat ng hakbang para mapalawak ang testing, tracing, treating isolation capacity at ang pangangalaga sa vulnerables. (CHRISTIAN DALE)

136

Related posts

Leave a Comment