MANDATORY ROTC SINUPORTAHAN SA KAMARA

(Ni BERNARD TAGUINO)

Nakakuha ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang planong ibalik ang mandatory Reserved Officer Train-ing Corps (ROTC) upang maibalik ang pagiging makabayan at pagmamahal ng mga kabataan sa bansa.

Ayon kay House committee on national defense vice chaiman Ruffy Biazon ng Muntinlupa City, nakahain na ang kanyang panukalang gawing mandatory ang ROTC  o House Bill No. 1260, na ihinain nito noong Hulyo 2016 pa.

“I join President Duterte in his view that mandatory military training be included in schools in order to inculcate pat-riotism, service and discipline among the youth,” ani Biazon.

Ang ROTC ay naging voluntary at opsyunal matapos maging batas ang Republic Act 9163 o National Service Training Program Act of 2001 noong 2002, kasunod ng krimen na kinasasangkutan ng mga ROTC officers sa University of Sto. Tomas (UST).

Sinabi ni Biazon na mahalaga ang ROTC para magkaroon ng disiplina sa hanay ng mga kabataang estudyante na unti-unti umanong nawala mula ng maging opsyunal o voluntary na lamang ang military training.

Maliban dito, nawalan umano ng “standby forces” ang bansa sa panahon ng national emergencies at kalamidad da-hil walang sapat na kasanayan ang mga kabataang estudyante.

Tulad naman ng inaasahan, kontra naman dito si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil hindi umano sagot ang ROTC para maging makabayan ang mga kabataang Filipino.

Sinabi ng lady solon na kanilang haharangin ang anumang pagtatangka na gawing mandatory ang ROTC sa Kongreso.

128

Related posts

Leave a Comment