MAY PULITIKA SA PANGGIGIPIT KAY PASTOR ACQ – VP SARA

PARA kay Vice President Sara Duterte, ang panggigipit ngayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ay konektado sa pagiging kaalyado nito ng mga Duterte.

Hindi lamang aniya si Quiboloy ang hina-harass ngayon ng administrasyon kundi magong ang SMNI.

“Si Pastor Quiboloy kasi he suffers from… Ano bang tawag diyan? sabihin na natin na 2 poison arrows, unang-una ally siya ni former President Rodrigo Duterte, tumulong din siya sa kampanya ko noong ako ay tumakbong Vice President so merong anggulo diyan na pulitika tapos meron din gusto siyang kunin ng US government, ‘yun naman hindi pulitika ‘yun. ‘Yun ‘yung related sa mga cases niya sa United States of America and I understand he is well represented by lawyers dun sa mga cases niya and even dito sa Pilipinas he is well represented by lawyers,” ayon kay VP Duterte.

Magdadalawang-buwan na nang gamitan ng labis na puwersa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sana’y pagsisilbi lang ng warrant of arrest kay Quiboloy at sa lima pang kasama nito.

June 10, 2024 nang salakayin ng mga poulis ang mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Dahil dito, pinayuhan ni VP Sara ang mga miyembro ng KOJC.

“Ang nag-implement kasi ng search warrant or warrant of arrest, may rules kasi ‘yan kung ano ang dapat gawin ng pulis kaya ang advice ko sa Kingdom of Jesus Christ ay paniguraduhin na kapag nag-implement ng search warrant, o warrant of arrest, meron doong abogado, or merong na-brief ng abogado kung ano ‘yung rules of engagement sa implementation, lalong-lalo na doon sa side ng Philippine National Police, labas doon pwede nang magreklamo, o puwede nang maghain ng kaso ang abogado ng KOJC kung meron man ‘yung sinasabi na excessive use of force pwede na maghain ng reklamo ang abogado ng KOJC,” payo ni VP Sara.

Pinaalalahanan din niya ang mga ito na manatiling kalmado sa gitna ng ‘di kanais-nais na sitwasyon.

At sa kabila ng lantarang pang-aabuso ng gobyerno, hiling niya ang patuloy na pagrespeto ng misyonaryo ng simbahan sa umiiral na batas sa ating bansa.

156

Related posts

Leave a Comment