MGA PULIS SA DRUG WAR NILAGLAG NA NI DUTERTE

MISTULANG inabandona na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis matapos isisi sa mga ito ang mga pag-abuso sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang pag-amin ni Duterte na maraming pang-aabuso sa war on drugs subalit hugas-kamay ito.

“Ex-president Duterte’s admission that Pres. Ferdinand Marcos is right that abuses were committed during Duterte’s anti-drug campaign but only blamed his subordinates in the PNP for these, is practically abandoning the PNP while absolving himself of these abuses,” ani Colmenares.

Pagkatapos aniyang atasan ang Philippine National Police (PNP) na patayin ang mga drug suspek at tiyakin sa mga pulis na poprotektahan niya ang mga ito ay.. “he now turns around and cowardly says it is only they (mga pulis) who have committed abuses”.

Kung talagang matapang aniya ang dating Pangulo ay dapat akuin nito ang responsibilidad at huwag ituro sa mga pulis na sumunod lamang sa kanyang utos bilang kanilang commander in chief lalo na’t ipinangalandakan nito noon na hindi siya natatakot makulong.

“This serves as a warning to PNP and the AFP members not to follow illegal orders from your superiors as they will abandon you when the going gets tough,” ayon pa sa dating mambabatas.

Nangyari na aniya ito kay dating Gen. Jovito Palparan na ngayon ay nagdurusa sa bilibid at maging ang mga pulis na pumatay kina Kian de los Santos at Carl Arnaiz.

Isama sa ICC reply

Samantala, hinamon din ni Colmenares ang Marcos administration na isama sa kanilang reply sa International Criminal Court (ICC) ang pag-amin ni Duterte na may pang-aabuso sa kanyang war on drugs.

“In fact Duterte’s admission and agreement with Marcos that there were indeed abuses, is one more damning evidence against those charged in the ICC and could be submitted as additional evidence by families of EJK victims to the prosecutor,” ayon pa sa abogado ng mga pamilya ng biktima ng war on drugs. (BERNARD TAGUINOD)

229

Related posts

Leave a Comment