MAHIGIT 15% na ang nairehistrong SIM cards sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas “as of Saturday, January 28.”
Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may kabuuang 26,637,515 SIM cards ang rehistrado na “as of 11:59 p.m. January 28,” may katumbas na 15.76% ng 168.977 milyon sa buong bansa.
“Broken down, Smart Communications Inc. reported 13.632 million or 20.05% of its 67.995 million subscribers, Globe Telecom Inc. with 10.883 million or 12.39% of its 87.873 million subscribers, and DITO Telecommunity Corp. with 2.121 million or 16.19% of its 13.108 million subscribers,” ayon sa ulat.
Ang IRR ng SIM Card Registration Act ay naging epektibo noong Disyembre 27, matapos tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas noong nakaraang Oktubre.
Binibigyang mandato ng batas ang lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na magtatag ng kanilang registration platforms.
Ang mga SIM card user ay binibigyan lamang ng 180 araw para iparehistro ang kanilang SIM cards, o manganganib na ma-deactivate ito.
Nauna rito, sinabi ng PTEs na handa na sila para sa registration process, subalit dapat nang asahan ang “birthing pains” sa panahon ng initial stages.
Ipinag-utos naman ng National Telecommunications Commission (NTC) sa PTEs na magsumite ng anomang problema na kanilang mararanasan sa mga user sa panahon ng registration.
“The DICT is working with PTEs to address the public’s feedback so we can improve the SIM Registration experience for everyone,” ayon kay DICT Spokesperson Anna May Lamentillo.
“We also remind subscribers that their personal information remains protected under the Data Privacy Act. Under this law, PTEs are required to secure subscribers’ data with mandatory encryption of data,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, para irehistro ang kanilang SIM cards, ang mga users ng DITO Telecommunity Corp. ay maaaring bumisita sa https://dito.ph/registerDITO; Globe Telecom Inc. sa https://new.globe.com.ph/simreg, at Smart at https://smart.com.ph/simreg.
Nagsagawa naman ang NTC nito lamang unang bahagi ng buwan ng rollout ng registration ng SIM cards sa remote areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, para tumulong sa implementasyon ng SIM Card Registration Act.
Magtatapos ang pagpaparehistro sa Abril 26, 2023. (CHRISTIAN DALE)
