Nagsingit ng ‘AKAP’ sa 2025 budget mananagot EX-AFP, PNP GENERALS PUMAPALAG

INALMAHAN ng mga retiradong military officer ang umano’y kuwestyunableng dagdag-bawas sa panukalang 2025 budget na lantarang hindi kapaki-pakinabang sa sambayanan at malayo sa nakalatag na programa ng administrasyon.

Sa open letter na inilabas ng isang grupo ng mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay inihayag nila ang kanilang pagkabahala sa posibleng epekto ng mga isiningit na pagbabago sa proposed 2025 budget kabilang na ang umano’y 26 billion pondo para sa “AKAP” o Ayuda sa Kapos ang Kita Program na bigla na lamang sumulpot sa Bicameral committee.

“We, the retired and concerned members of the Armed Forces of the Philippines (AFP), the Philippine National Police (PNP), Uniformed Personnel, UP Vanguard, civil society and civic organizations and concerned citizens of the Republic, are writing to you (Pres. Ferdinand Bongbong Marcos Jr.) today to convey our serious concerns regarding the questionable deviations of the approved General Appropriations Bill 2025, from the National Expenditure Program (NEP) that your Excellency submitted to Congress,” nakasaad sa open letter na ipinakalat kasabay sa 89th founding anniversary ng AFP.

Hiniling ng grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik sa Bicam ang budget para muling pag-aralan.

Titiyakin din umano ng mga ito na mapanagot ang mga taong nasa likod ng “smuggled unrelated items” gaya ng isiningit na AKAP fund dahil sila ang dahilan sa pagnanakaw ng pondo na dapat sana ay magagamit sa mga importanteng pangangailangan ng bansa.

Tinukoy rin ng grupo ang umano’y unjustified budget increases partikular sa Senate budget na lumobo sa P13,930,174,009.00 mula sa initial GAB allocation na P12,830,174,000.00 na maliwanag na tumataginting na P1,100,000,000.00 karagdagan.

Ang pinalaking budget ng House of Representatives na lumobo sa P33,670,000,000.00 mula sa inisyal na GAB allocation na P16,345,154,000.00 na kumakatawan sa 106% increase.

Habang kinaltasan ng budget ang ilang critical departments para matustusan ang mga nasabing dagdag pondo.

Partikular na tinutukoy ng grupo ang AFP Modernization Program na binawasan umano ng P15 billion mula sa planong P50 billion. (JESSE KABEL RUIZ)

10

Related posts

Leave a Comment