Nahuli sa COVID-19 clinic sa Pampanga 2 CHINESE NAT’L INILAGAY SA BI ALERT LIST

INILAGAY sa alert list ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng underground clinic para sa COVID-19 patients sa Pampanga noong nakaraang Linggo.

“We have placed them on our alert list to prevent them from leaving the country and ensure their presence while they are undergoing criminal and administrative investigation for their alleged offenses,” ani BI Commissioner Jaime Morente.

Kinilala ni Morente, ang dalawang Chinese na sina Liu Wei at Hu Shiling, at walang linaw kung kailan sila pababalikin sa kanilang bansa. Ang mga ito inilipat sa BI Intelligence and Legal Divisions para sa imbestigasyon.

Matatandaang sina Liu at Hu ay inaresto noong nakaraang Mayo 19 sa kanilang clinic sa Fontana Leisure Park sa Clark, Angeles City na ni-raid ng pulisya.

Noong araw ding iyon ay agad pinakawalan ang dalawa na wala umanong isinampang kaso.

Idinagdag niyang sa hiwalay na imbestigasyon ng BI sa kaso ng Chinese nationals na nahuli sa pag-o-operate ng clandestine COVID-19 clinic, nabatid na hindi lamang sa Clark mayroong COVID clinic dahil natuklasan ding mayroong ganito sa Makati City na sinalakay noong Martes.

“I have instructed our Intelligence Division to investigate if these alleged Chinese nationals are legally staying in the country. Should we find they violated our immigration laws, they will be charged them with deportation cases before our law and investigation division,” ayon sa pahayag ng BI Chief.

Idinagdag niyang ipinag-utos niya sa BI intelligence operatives na hanapin ng apat pang Chinese COVID-19 patients na sumailalim sa panggagamot sa Clark clinic. ((JOEL O. AMONGO)

66

Related posts

Leave a Comment