OCD ASEC PURISIMA SINIBAK

KINUMPIRMA ng Malakanyang na sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa puwesto si Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima ‘effective immediately’ dahil sa nawalang tiwala at kumpiyansa ng Chief Executive sa kanya.

Kasabay nito ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio, Jr.

Pinasalamatan ng Malakanyang si Usec. Rio para sa kanyang ‘ invaluable services’ sa bansa.

“We wish him well in all his future endeavors,” ayon kay Sec. Roque. CHRISTIAN DALE

80

Related posts

Leave a Comment