P24 UMENTO NG EMPLOYERS INSULTO SA MGA OBRERO

INIINSULTO, hindi lamang ng mga employers sa National Capital Region, (NCR) ang mga manggagawa sa kanilang panukala na P24 umento.

Dahil dito, iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na kailangang maipasa na ang kanilang panukalang P750 across the board wage increase, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

“The meager P24 increase proposed by employers’ groups as “insulting and out of touch with the economic realities faced by Filipino workers,” pahayag ni Brosas.

Ang panukala ng mga employers ay inilutang kasabay ng pagsisimula ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) sa pagdinig sa wage hike petition ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sinabi ni Brosas na kung aaprubahan ng RTWB-NCR ang panukala ng mga employers ay magiging P650 na ang minimum wage sa Metro Manila na malayong malayo pa rin sa P1,200 living wage sa nasabing rehiyon para magkaroon ng disenteng pamumuhay ang mga obrero.

“With the rising costs of basic goods and services, workers are struggling to make ends meet. An immediate P750 wage increase is necessary to bring the minimum wage closer to the Family Living Wage of P1,200,” ayon pa sa mambabatas.

Hindi aniya dapat iniinsulto ang mga manggagawa dahil bukod sa patuloy na pagyaman ng mga negosyante ay hindi magtatagumpay ang mga ito kung wala silang mga tao na siyang tunay na nagpapatakbo at bumuhay sa kanilang mga negosyo.

Sa katunayan aniya, 38 kumpanya sa Pilipinas ang kabilang sa Southeast Asia 500 ng Fortune Magazine kung saan ang San Miguel Corp., ni Ramon Ang ang nasa top 9 na may $26.02 billion income.

“Pag mga malalaking kumpanya, okay lang na magkamal ng sobra-sobrang kita pero pag usapin na ng sahod ng mga manggagawa, hindi pwedeng itaas sa signipikanteng halaga,” ayon pa kay Brosas Dahil dito, tanging ang legislative wage hike na lamang ang pag-asa ng mga manggagawang Pinoy dahil kung iaasa lang sa mga regional wage board ang wage hike ay hindi makakaahon sa kahirapan ang mga tao. (BERNARD TAGUINOD)

30

Related posts

Leave a Comment