HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang gobyerno at ang publiko na pakinggan ang opinyon at pananaw ng mga maritime at international law expert sa panukalang palitan ang pangalan ng West Philippine Sea (WPS) sa “Sea of Asia”
Sinabi ni Poe na ang mga eksperto ang nakakaalam ng makabubuti para sa laban ng bansa.
Subalit dapat anyang tiyakin na sa bawat aksyon ay hindi mawawala o hihina ang ating territorial claims sa disputed area.
Una nang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na gamitin ang “Sea of Asia” sa halip na WPS sa pagsasampa ng reklamo sa susunod na taon laban sa China kaugnay ng pinsala sa kapaligiran sa Panatag Shoal at Spratly Island.
Sa panig naman ni Senador Jinggoy Estrada, iginiit na mas mainam na gamitin ang West Philippine Sea sa pagsasampa ng reklamo dahil ito ang geopolitical designation ng gobyerno ng Pilipinas.
(Dang Samson-Garcia)
310