(Ni BETH JULIAN)
Itinuturing na magandang balita para sa Malacañang ang pagkakapasa ng Kamara sa pagbabalik ng ROTC bilang mandatory subject sa kolehiyo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, magandang resulta ito dahil isa ito sa mga panukala na nais na maisabatas ni Pangulong Rodrigo Dutere.
Kamakalawa nang iulat na naipasa na sa Kamara sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang batas na maibalik at gawing mandatory ang ROTC.
Ayon kay Panelo, nais itong maisakatuparan ng Pangulo upang mabuhay muli ang pagiging makabayan ng mga estudyante sa kolehiyo na sinasalungat naman ng mga makakaliwang grupo.
Ang nasabing pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo ay suportado rin ng PNP at AFP.
113