MABIBILAD sa kahihiyan dahil unti-unti nang nahuhubaran at ngayo’y umaalingasaw na tila ash fall ang baho ng mga destabilizer ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Senador Antonio Trillanes.
Reaksyon ito ng Malakanyang kasunod ng ulat ng pagwi- withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na aniya’y inuusig na ng konsensiya.
Bukod kay Trillanes, binanatan din ng Malakanyang ang ICC na dapat na aniyang magising sa pagiging ignorante at mapagtantong nagagamit lamang sila ng mga indibidwal na ang tanging puntirya ay pabagsakin ang Duterte presidency.
Ang aniya’y professional tie sa pagitan nina Trillanes at ni Sabio ay nagwakas matapos na hindi mabayaran ang huli ng kanyang professional fee ng dating senador dahilan para ito’y bumaligtad gamit ang alibi na ayaw na niyang magamit sa political propaganda ng Partido Liberal. (CHRISTIAN DALE)
135