PANAWAGAN PARA SA COMPETITIVE BIDDING SA CHILD PNEUMONIA VACCINE UMIGTING

child pneumonia vaccine-2

HIGIT pang umigting ang panawagan para sa open, competitive bidding para sa child pneumonia vaccine nang magkaisa ang mga medical experts at mga mambabatas na buksan ang nasabing tender sa higit sa isang supplier.

Sa isang forum kamakailan, sinabi ni Quezon Rep. Angelina Tan, chair ng House Committee on Health, na hindi dapat paburan sa bidding ng pneumococcal conjugate vaccines (PCVs) ang iisa lamang na supplier.

Ang pahayag ni Tan ay kasunod ng pagsuspinde kamakailan ng Department of Health (DOH) sa bidding g PCVs sa gitna ng maingay na public clamor para gawing bukas at competitive ang nasabing bidding. Pinuri ng mga doktor at medical experts ang ginawang aksiyon ng DOH dahil sa ang naunang panawagan para sa bidding ay nakatuon lamang sa nag-iisang supplier.

“Ang mga gamot at suppy na kailangan ng pamahalaan ay dumadaan sa Health Technology Assessment (HTA) kung saan inaalam ang cost-effectiveness ng mga ito,” dagdag pa ni Tan.

Si Tan ang may-akda ng House Bill 00172 na patungkol sa pagpapalawak ng coverage ng mandatory immunization pro-gram at paglalagay ng Sistema sa pagtukoy sa kung anu-anong bauna ang nararapat para sa iba’t ibang uri ng vaccine-preventable diseases. Inaamyendahan ng HB 00172 ang ct No. 10152, na kilala bilang “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011.”

Sa nasabi pa ring forum, binigyang-diin din ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na bukas naman ang bidding ng DOH bagamat para sa PCVs, ang mga specification umano ay tumutugma lamng para sa isang brand ng ba-kuna.

“Ang mga specs para sa open competitive bid ay dapat na maging generic upang lahat ng brands ay maaaring makala-hok,” aniya.

“Ang budget para sa pneumococcal vaccines pa lamang ay P4.9 bilyon kaya’t dapat natin itong pag-aralang Mabuti,” dagdag pa ni Domingo.

Nito lamang Pebrero,  inulit ng World Health Organnization (WHO) ang posisyon nitong unang inihayag noong 2017 na ang dalawang PCV sa merkado ay magkatulad ng bias sa pagpigil sa pangkalatang pneumococcal diseases sa mga bata.

Sa nasabi ring forum, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim, presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, na kung tatangungin sya kung pareho bang makatutulong ang dalawang PCV sa merkado, sinabi nitong ang kanyang sagot ay oo.

Binigyang-diin pa ni Lim na ang pneumonia ay isang laganap na sakit laluna sa mga bata.

“Sa daang-daang bansa sa mundo, kasama tayo (Pilipinas) sa top 15 na bansa, at yung 15 na yun ay responsible sa  75% kamatayan dahil sa pneumonia,” dagdag pa niya.

135

Related posts

Leave a Comment