PBBM: TENSYON SA WPS HINDI PA HUMUHUPA

MAY tensyon pa rin sa West Philippine Sea (WPS), pag-amin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF) nang bisitahin niya ang Clark Air Base sa lalawigan ng Pampanga para inspeksyunin ang recommissioned ng C-130 transport aircraft na naka-station doon, binanggit ng Pangulo na lumalago ang komplikasyon sa rehiyon.

Kasama ng Pangulo sa nasabing event sina Lt. Gen. Stephen Parreño, commanding general ng Air Force at US Ambassador MaryKay Carlson.

“The modernization program of the Armed Forces of the Philippines (AFP) is certainly a response to the growing complication of the situation that we are facing in our region,” ayon kay Pangulo.
“Unfortunately, we cannot say that this situation is cooling down,” aniya pa rin.

“With the situation that we are facing now over the West Philippine Sea,” ayon sa Pangulo sabay sabing “very serious” ang gobyerno sa pag-upgrade sa kakayahan ng Air Force.

“The best that we can hope for is to keep” the current situation” as its is and hopefully continue to lessen the tension,” dagdag na wika nito.

Samantala, hinikayat ng Pangulo ang Armed Forces na bantayang mabuti ang teritoryo ng bansa lalo pa’t nahaharap ang mga ito sa “most complex geopolitical situation in the world.” (CHRISTIAN DALE)

177

Related posts

Leave a Comment