NABABAHALA ang isang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil mistulang paghahanda na sa giyera ang pagpapalawak sa interpretasyon sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas wala siyang nakikitang dahilan ng pagpapalawak sa MDT sa dalawang bansa kundi paghahanda ito sa giyera.
“The broadening of the Mutual Defense Treaty will only serve to entangle the Philippines further into the geopolitical ambitions of the United States, compromising our national sovereignty,” ani Brosas.
Sinabi ng mambabatas ang pagpapalawak sa interpretasyon sa MDT ay pinag-uusapan na umano ng dalawang bansa bilang tugon sa patuloy at lumalalang agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Kinumpirma naman ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang pag-uusap ng dalawang bansa para sa pagpapalawak ang interpretasyon MDT subalit itinanggi nito na walang babaguhin sa original na military agreement.
“Wala pong babaguhin sa MDT. It’s just that we don’t want to be cannalize on interpretation on attack of foreign vessels. It is more for strategic purposes because China uses a non-lawful system of aggression which is static in interpretation and static processes will not address,” ani Teodoro sa budget hearing kahapon sa Kamara.
Itinanggi rin ni Teodoro na ang pagpapalawak sa interpretasyon sa MDT ay mangangahulugan ng mas maraming military bases ang US sa Pilipinas bukod sa mga naitayo nang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. (BERNARD TAGUINOD)
126